ANG SITE NA ITO

Ano nga ba ang kaguluhang ito? Bakit nigla na lang sumulpot sa blogospshere? Wala naman laman. At sinong gago ang nagpasimula nito? Paano ito nagsimula? At bakit puro tanong ang intro?
Kung gusto mo malaman eh di ipagpatuloy mo ang pagbabasa at kung hindi eh basahin mo pa rin. Walang kakwenta-kwenta ang blog na ito, alam ko. Pero yung KKK o kaya eh Krusada Kontra Krimen din naman sa RPN eh kasing-walang kwenta din naman. At kaya sumulpot ito, kasi hindi naman nakasaad sa Konstitusyon ng Pilipinas na bawal ah! Kaya madaming tanong kasi madami akong di alam.
At ang blog na ito ay pwedeng basahin ng kahit sinong marunong magtagalog. Para ito sa'yo, sa akin, sa lalaki, sa babae, sa public officials, mga engineers, mga employers, mga nadehado ng jollibee, mga prosti, at kung sino pa mang may connection sa internet na gustong magsayang ng oras.

E-mail: saturatedcarbohydrate@yahoo.com

Monday, August 20, 2007

Sharp Shooter
Madaming Sharp Shooter diyan sa kanto at mahirap na hindi mapansin ang mga ito. Nandyan sila, sa kanto, sa Sari-Sari store, sa bubong, sa basketball court at sa billiard table habang humihithit ng Astro Cigarettes. Pero ano ba sila? Saan sila galing? Bakit ko sila nilagay sa blog?
Sharp Shooter eh yung mga bagay na di pumapalya kahit kailan. Yun bang wala na silang ibang ginagawa at halos wala silang social life kaya napaka-monopolized ng actions. Galing!
Isa na dyan ang mga adik sa kalye na sumisinghot ng a. rugby b. marijuana c. shabu. Answer: all of the above! Lahat ng kemikal na maiisip mo na eh hinithit na nila. Mula sa ink hanggang sa Sodium Hydroxide. Walang mintis! Lagi yan, araw-araw!
Isa din ang taga-lista ng "NOISY" sa black board. Meron lang nito saPublic Elementary Schools. May sistema siya sa totoo lang. May singil kapag nalista ka, piso lang naman. At para lumaki ang pera, lalagyan ka niya ng stars! Plus isang piso yun kada isang star. Takot na takot talaga ako sa tagalista. Nauubos ang pera ko lagi dahil sa kanya. At aaw-araw andyan siya. Lahat nakalista sa blackboard, kahit mga tao sa kabilang room. Pati adviser namin, Noisy!
Ang mahiwagang "bilao" ng Cafeteria ay isa ding sharp shooter. Araw-araw eh nandyan sa room nio kada 9:00 ng umaga at 3:00 ng hapon. May dalawang vendor na naglalandian habang nagbebenta. At ang bilao, kumpletong kumpleto! May matamis na maanghang na dilis, cornick na kasing kunat ng wrinkles ni Elizabeth Oropesa, ensaymada na ang margarine ay 1 buwan na, kropek na kulay cocoa, spaghetti na nakalagay sa plastic, puto na masarap gawing panyo at pichi-pichi na mura pero kahit kailan eh laging panis! Sayang nga lang eh wala nito sa mga Private schools, public lang. Sayang!
At isa pa ay ang yaya mo! Walang palya. Lagi siyang may dahilan para pagalitan ka! Para bang ang mga yaya eh gumawa ng libro ng mga dahilan na pinagpasapasahan nilang lahat. Sa lahat ng yayang naranasan ko eh pare-pareho ng dahilan. Walang palya!
Kaya wag nang labanan, wala ka ng magagawa. Lahat ng mga ito eh hindi papalya. Bili na!!!

Saturday, August 18, 2007

Kwentong Kubeta
May isang mamang panot at mataba ang tumatakbo. Pawis na pawis at naghahanap ng mapupuntahan at masisilungan este mapagtatapunan. Mapagtatapunan ng dumi na kakulay ng "Extra Joss". Naghahanap siya ng kubeta, nanlalamig na siya.
Sa wakas! Ayun! Nakita niya ang isang fastfood, Jollibee kung saan "bida ang tanga!" sabi nga nila. Ayun na! Malapit na siya sa, ayun na! Natatanaw na niya! Ayun na ang kubeta! Tuwang tuwa siya ng nakita niya ang toilet bowl na kasing dumi ng mga babuyan sa Mandaluyong at Cavite at kasingdilaw ng ngipin ng grade 1.
Binuksan niya ang zipper ng blue niyang pantalon at tugudooooooosh! Tuluy-tuloy na. Parang fountain of youth! Sumipol-sipol pa ang langhiya habang umiihi. Pinahid ang kamay sa kanyang uniform at lumabas na.
Kumain na din siya dun sa fastfood. Pinakita niya ang badge niya sa counter at nag-demand ng pagkain! Binigyan siya ng takot na cashier at kumain ng nagkakamay. Sarap kumain. Ayun! Pakapalan lang talaga ng mukha!

Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros Trailer

Isa sa mga pinakamagandang pelikulang napanood ko. Panoorin niyo! Sa VCD, DVD. Wag bumili ng pirated!

Anong Pangalan Mo?
Pag may bagong panganak o kaya pag may buntis, excited ang lahat. Hindi dahil sa mahilig sila sa bata, kundi dahil sa atat na silang mag-isip ng pangalan ng sanggol at babuyin na rin ang pangalang ibibigay. Kung anu-anong pangalan ang naiiisip nating mga Pilipino. Kadalasan eh pinagtitripan natin ito dahil sa pangit din ang binigay na pangalan satin. Ito ang ilan sa mga pangalang extra-ordinary ika nga:
Pupung- Dahil daw may onting taeng kasama nung pinanganak siya ng nanay niyang lango sa alak nung nanganganak.
Nigel- Dahil daw may buhok na yung baby pagkapanganak pa lang at kasing tigas na daw ng ulo ng mga sexbomb girls at katawang ng EB babes.
Mark- Dahil daw kumakahol yung baby nung pinanganak siya.
Ann- Dahil wala nang maisip na pangalan ang mga magulang
Bill- Dahil habang nanganganak yung nanay eh sinisingil na siya ng osptal sa kuryente, service charge at pills.
Job- Dahil pagkapanganak nung bata ay nanununtok na siya parang si Borgy Manotoc. At di magtatagal eh sasali siya sa HUK. At di siya bading, STRAIGHT siya.
Sofia- Dahil mahilig sa sabon ang baby at lalabas siya sa isang advertisement ng Johnson's tugkol sa isang non-irritating na baby wash na di naman totoo.
Yan ang pangalan ng ilan sa atin. Kung anu-anong pinagmulan, madaming variation! Kaya naman exciting ang binyagan. !!!

Friday, August 17, 2007

Pulis! Pulis! Mamang Pulis!
Isang aleng kulubot ang mukha at naka-daster ang sumisigaw. "Pulis! Mamang Pulis!". Nanakawan pala siya ng cellphone. Nung una ay walang nakarinig sa kanya. Kaya sumigaw pa siya ng sumigaw. May dumating na pulis! Sa wakas!
Pagdating ng pulis eh nakuha pa nitong mag-joke. "Miss, hindi ako mama, papa ako". Sabay halakhak ng korni at kalbong pulis bago pa umaksyon. Ayun at naghabulan ang pulis at magnanakaw. Ang tagal at parang di na matatapos, parang mga telenovela ni Sunshine Dizon at ni Isa Calzado. At umabot sila sa isang eskinita na may lumang poster na nakalagay ay "Ignacio Bunye for Mayor". Ayun nagsimula na ang mahabang dialogue katulad ng sa action movies.
"Sir, Sir Sir! Maawa kayo. Kailangan ko talaga yung pera. Kaya ako nagnakaw", sabi ng snatcher. "Wala akong pakialam, labag yan sa batas.", sabi naman ng pulis na tumingin pa sa langit at nagpacute sabay iniputan ng kalapati. "Ganito na lang sir, bigay ko sayo yung camera nitong cellphone, mahal to. Mas mahal pa mismo sa cellphone. Mga 18k yata. Eto oh tinanggal ko na!" sabi ng magnanakaw. Nag-isip kunwari ang kalbong pulis para daw mas cool. Kinuha niya ang lens na akala niya ay kamera at ibinulsa. Tumakas na ang snatcher na kasing itim ni black jack at kumaway pa sa kanya yung pulis katulad ni Steve sa "Blue's Clues."
At bumalik na ang pulis sa ale. At nagkwento ng kasinungalingan katulad ng mga kwento ni Lola Basyang. Ganyan ang pulis! May paninindigan!